Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personalidad na nasa loob ng “room 2207,” na s’yang hotel room na laging binabalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera, ilang oras bago ito bawian ng buhay.
Gayunman, tumanggi ang NBI na pangalanan ang mga ito.
Ayon kay NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin, sa ngayon patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga naturang persons of interest para himukin na makipagtulungan na sa isinasagawa nilang imbestigasyon.
Pahayag ni Lavin, kung nais ng mga indibidwal na ito na linisin ang kanilang pangalan na idinadawit sa pagkamatay ni Dacera dapat lamang na lumutang na ang mga ito at magbigay na ng kanilang salasay kaugnay sa insidente.