Tutulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon laban sa mga nagpakalat ng bogus reports ukol sa umano’y panis na pagkain na donasyon ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa isang ospital sa Quezon City.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handang umaksiyon ang BI upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nagpakalat ng maling impormasyon sa Twitter.
Sa isang pahayag, itinanggi ng Diliman Doctors Hospital na nakatanggap sila ng panis na food donation mula sa tanggapan ni Robredo.