Pinakikilos na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin at arestuhin ang mga dating pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu nuong isang taon.
Ito’y ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra ay matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Jolo Regional Trial Court Branch 3 laban sa siyam na dating pulis.
Maliban sa warrant of arrest, may umiiral na ring hold departure order laban sa mga suspek na dating pulis dahil sa kasong murder at planting of evidence.
Ang mga pina-aaresto ng korte ay sina Abdelzhimar Padjiri, Hanie Baddiri, Iskandar Susulan, Ersinar Sappal, Sulki Andaki, Moh Nur Pasani, Admudzrin Hadjaruddin, Alkajal Mandangan at Rajiv Patulan.
Magugunitang pinalaya ng pamunuan ng pnp ang mga suspek na dating pulis na sangkot sa krimen dahil sa kawalan ng hurisdiksyon matapos masibak ang mga ito sa serbisyo.