Tinutunton na ng Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa “No Bakuna, No Ayuda.”
Ang naturang hakbang ay isinagawa matapos hilingin ng mmda na tulungan matunton ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na hindi umano mabibigyan ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.
Una nang sinabi ni MMDA Chairman Atty. Benhur Abalos na walang katotohanan at hidni nakabatay sa pagkakaroon ng bakuna ang pagbibigay ayuda sa mga apektadong residente ng ECQ.
Sa liham na ipinadala ni Abalos pinahahanap ang pinanggalingan ng nasabing ulat at pinapanagot ang mga nasa likod nito.
Bukod dito , hiniling ni Abalos sa NBI na sandaling mahuli ang mga nagpapakalat ng fake news ay kakasuhan at ipakukulong upang hindi na muling makapagpakalat ng maling impormasyon.