Iginiit ni House Transportation Committee chair Romeo Acop na wala silang sasantuhin sa itinakdang pagdinig ng Kamara bukas, January 10, sa nangyaring technical glitch sa NAIA nuong January 1.
Tiniyak ni Acop na irerekomenda nilang kasuhan ang mga responsable sa aberya kapag may makikitang negligence sa nasabing pagdinig.
Kasabay nito, isinusulong ni house minority leader Marcelino Libanan ang pagkuha sa serbisyo ng cybercrime expert ng NBI kaugnay sa nangyaring aberya sa NAIA.
Sinabi ni Libanan na dapat makalkal ang lahat ng anggulo sa nasabing insidente kabilang ang pagbasura sa posibleng cyber attacks, sabotahe o iba pang malisyosong aktibidad.
Una nang inihayag ng CAAP na pumalya ang communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management ng NAIA matapos masiraan ang interruptible power supply equipment nito.