Tila dumaan sa butas ng karayom ang Muntinlupa Chiefs, nang kanilang kaharapin ang defending champions na Taguig City Generals.
Mainit pa rin ang mga heneral mula sa pagkapanalo kontra sa Zambales Eruption – at kanilang tinapos ang game na may score na 107 to 73.
Sa kabila ng malaking kalamangan ng Taguig Generals, aksidenteng natapilok ang kanilang star player at MVP noong nakaraang President’s Cup na si Mike Sampurna sa ikapitong minuto ng fourth quarter.
Ngunit hindi ito naging hadlang. Dahil to the rescue si LJ Mayo na nagpakita ng magandang performance.
Sa ngayon, may hawak na 2-0 win-loss record ang Taguig City Generals. - sa panulat ni Ralph Dela Cruz