Sumuko na si NBN-ZTE Deal Whistleblower Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. at kanyang kapatid na si orlando sa National Bureau of Investigation (NBI).
Kinumpirma ito ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin makaraang pagtibayin ng korte suprema ang conviction laban sa magkapatid kaugnay sa graft case noong 2016.
Magugunitang nag-issue ang sandiganbayan ng arrest warrant laban sa magkapatid na Lozada matapos ang desisyon ng supreme court sa kanilang graft case hinggil sa land deal sa Philippine Forest Corporation.
Si Jun Lozada ang Pangulo ng Philforest nang i-award niya ang nasa 6.5 hectares ng public land sa kanyang kapatid sa ilalim ng lupang hinirang program ng ahensya noong 2007.