Bibili ng scanner at x-ray machine ang National Bilibid Prison o NBP para masusing ma-detect ang mga kontrabando na ipinapasok sa nasabing piitan partikular sa maximum security compound.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni New Bilibid Prison Chief Supt. Richard Schwarzkoph Jr. na marami nang ipinatupad na reporma sa Bilibid kabilang ang zoning, quadranting sa maximum security compound upang madaling ma-monitor ang galaw ng mga inmates at ang re-shuffling sa mga personnel upang maiwasan ang familiarization sa mga bilanggo.
Ginawa ang mga reporma bunsod ng nabunyag na talamak na prostitusyon sa Bilibid.
Magpapatupad na rin ang BUCOR ng biometrics para hindi na makalusot pa ang mga prostitute na karamihan ay courier ng iligal na droga sa bilibid.
“Meron nang ginagawa ang BUCOR diyan para mas mapadali ang tinatawag natin na biometrics, kung saan ang mga dalaw sa pamamagitan ng kanilang daliri, sa pamamagitan ng biometrics na yun, magkakaroon sila ng pre-registration, hindi sila makakapasok unless you are a registered visitor.” Pahayag ni Schwarzkoph.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita