Napuno ng mga sumukong convicts ang social hall ng NBP o New Bilibid Prison.
Ito ay matapos na lumagpas sa 1,914 ang bilang ng mga convicts ng heinous crime na napalaya dahil sa GCTA o Good Conduct Time Allowance Law ang sumuko sa mga otoridad.
Ayon sa isang prison guard ng NBP, dahil sa sobrang siksikan ng mga sumukong convict sa social hall ng piitan, kinailangan nang ilipat ang ilan sa mga ito sa training hall ng BuCor o Bureau of Corrections.
Batay sa pinakahulong datos, umabot sa 2,009 ang sumukong convict kung saan 1,773 sa mga ito ang nasa kustodiya na ng BuCor habang 236 ang nasa pulisya.