Inaabangan na ngayong araw ang ika-apat na National Collegiate Athletic Association o NCAA all-star game na gaganapin sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City mamayang alas-4:00 ng hapon.
Maglalaban ngayong edisyon ang mga may Saint-based na pangalan at Heroes o mga eskwelahan na ipinangalan sa mga bayani ng Pilipinas.
Ibabandera ng Heroes sina CJ Perez ng Lyceum of the Philippines at Kent Salado ng Arellano University habang sina Robert Bolick ng San Beda at Rey Nambatac naman ng Letran ang gagabay sa Saints.
Sasabak naman si Cameroonian Swing- Man Arnaud Noah ng San Beda ang slam dunk upang maibalik sa kanya ang titulo.
Samantala idedepensa naman ni AC Soberano ang kanyang titulo sa three-point shooting kung saan makakalaban niya ang last year runner up na si Wilson Baltazar ng Lyceum at RK Ilagan ng San Sebastian.
By Arianne Palma