Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng kontrobersyal na No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr., malaki ang maitutulong ng mga ipinakalat na CCTV cameras para maiwasan ang korapsyon sa lansangan at mapangalagaan ang motorista maging ang mga pedestrian.
Maliban dito, iminungkahi rin niya ang polisiya upang mapangalagaan ang mga driver na bumili ng second hand na mga sasakyan.
Madalas kasi aniyang nagiging problema ng law enforcer ay ang pagtunton sa totoong driver ng mga sasakyan lalo’t kung ito ay segunda manong nabili.
Samantala, sa ngayon ay nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng NCAP sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.