Nagbukas na ng 24/7 crisis hotline ang National Center for Mental Health (NCHM) para tumutok sa mental health care ng mga publiko ngayng nahaharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang bansa.
Ayon kay Dr. Roland Cortez, pinuno ng NCMH sumusunod lamang sila sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte kayat sinuman ang nakakaranas ng anxiety o iba pang mental health issues ay maaaring tumawag sa 09178998727 0 89898727
Sinabi ni Cortez na handang makinig ang kanilang experts sa sinumang tatawag sa kanila para mapagaan ang pakiramdam sa gitna nang hinaharap na pagsubok ng bansa.