Bumuo ng task force ang National Commission on Indigenous People’s (NCIP) para bigyan ng ayuda ang mga Indigenous Peoples (IP)’s na na stranded sa Metro Manila dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay NCIP Central Mindanao Commissioner Jennifer Pia Sibug-Las, nakapagbigay na sila ng tulong sa mga IP workers na apektado ng ‘no work no pay’ policy sa pamamagitan ng oplan bayanihan for stranded IP’s.
Sinabi ni Sibug-Las na natukoy na nila ang mahigit 3,000 stranded IP’s sa Metro Manila subalit malaking hamon sa kanila ang isa isang personal na pagpunta kung nasaan nakatira ang mga ito.
Sa ngayon ay inaaasikaso pa nila ang mahigit 2,000 IP’s bagamat dumadami ang bilang ng mga ito araw araw.