Wala nang nalalabing kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong.
Masayang ibinalita ito ni NCMH medical center chief Dr. Roland Cortez kung saan, mula aniya nitong Miyerkules ng tanghalim ika-17 ng Hunyo, lahat ng kanilang 3,200 na pasyente at 2,435 na staff ay COVID-19-free na.
Una nang nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 41 na pasyente at 86 na empleyado ng NCMH.
Naka-recover naman mula sa virus ang lahat ng mga empleyadong tinamaan ng virus, ngunit pito (7) naman sa mga infected patients ang nasawi.
Nagpahayag din ng kalungkutan ang NCMH sa kanilang mga nasawing pasyente at ipagpapatuloy aniya nila ang pagsunod sa mga protocols upang matiyak na wala nang buhay na manganganib dahil sa COVID-19.