Lumobo na sa 170 ang bilang ng mga nasawi, habang nasa mahigit 1,700 ang bagong naitalang kaso ng novel coronavirus (nCoV) sa China.
Ito ay ayon sa pamahalaan ng China kung saan, nanggaling ang nasa 38 bagong naitalang bilang ng nasawi sa Hubei province –ang episentro ng nCoV outbreak.
Batay naman sa ulat ng National Health Commission, natamaan din ng naturang virus ang southwestern Sichuan province kung saan may isa ring naitalang nasawi.
Napaulat na rin ang kauna-unahang kaso nito sa Tibet.
Itinuturing namang pinakamalaking paglobo ng death toll ang 38 na naitalang bagong namatay dahil sa nCoV.
Samantala, magugunitang nagbabala ang World Health Organization sa lahat ng pamahalaan ng maglatag na ng kaukulang aksyon para labanan ang nCoV.