Pumapalo na sa mahigit 900 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sa nakalipas na magdamag, 99 ang naitalang panibagong nasawi sa China kaya’t umakyat na sa 908 ang death toll.
Ang dalawa pang nasawi ay mula sa Pilipinas at Hong Kong.
Dahil sa nasabing bilang ng mga nasawi sa 2019 nCoV-ARD, nahigitan na nito ang death toll sa Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) noong 2012 na nasa 858.
Umaabot naman sa 40,234 ang naitalang bilang ng kaso ng 2019 nCoV-ARD mula sa iba’t ibang panig ng mundo .
Sa naturang bilang, halos 40,000 ang naitala sa China habang 27 bansa ang apektado na rin ng 2019 nCoV-ARD.
Ang Japan ay ikalawang bansang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng 2019 nCoV-ARD na nasa 96, sumunod ang Singapore –43, at Hong Kong –36.