Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang novel coronavirus tracker website.
Ayon sa DOH, sa halip na hinihintay ng publiko ang anunsyo ng ahensya kung mayroon bang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa kanilang lugar, maaari na ngayon itong makita sa pamamagitan ng website.
Sa website ay may makikita umanong mapa kung saan malo-locate ang lugar na mayroong person under investigation (PUI).
Makikita rin umano sa website kung gaano karaming pui ang na-aadmit sa ospital at ilan na rin sa mga ito ang nadischarge.
Ang nCoV tracker website ay may link na https://ncovtracker.doh.gov.ph.