Masyado pang maaga para isailalim ang Metro Manila sa alert level 1.
Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque sa kabila ng mga panawagang ibaba na sa level 1 mula sa kasalukuyang level 2 ang COVID-19 alert status sa National Capital Region (NCR) bunsod ng bumababang case infections.
Ayon kay Duque, may negative 2-week growth rate ang NCR na negative 83 percent habang nasa high risk ang average daily attack rate na 12.22.
Ang mga nabanggit anyang metrics ay indikasyong nasa moderate risk classification pa rin ang Metro Manila kaya’t dapat lamang manatili muna sa alert level 2.
Samantala, ang bed utilization rate sa rehiyon ay nasa 28 percent habang ang ICU utilization rate ay tinatayang 32.28 percent.