Asahan ang maulap na kalangitan na may tiyansa ng pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan at Ilocos Norte dulot ng northeast moonsoon.
Posible ding ulanin ang bahagi ng Metro Manila maging sa Central Luzon at CALABARZON dulot parin ng hanging amihan.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda, bahagyang magiging maulap na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nalalabing bahagi pa ng Luzon, Visayas at Mindanao
Pinag-iingat naman ng PAGASA ang publiko at maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga event ng severe thunder storm.
Dahil parin sa northeast moon soon ay nakataas parin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Island, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora at Zambales kayat hindi muna pinapayagang pumalaot ang mga mangingisda pati narin ang may mga maliliit na sasakayang pandagat sa mga nabanggit na lugar.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 24 degree celsius hanggang 30°c.
Sisikat naman ang haring araw mamayang 6:05 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:25 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero