Nananatili sa low risk classification sa COVID-19 ang National Capital Region.
Maliban sa rehiyon, nasa low rsik category din ang lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, ang positivity rate sa ncr ay nasa 6 percent habang ang healthcare utilization naman ay 26%.
Naitala naman ang 0.20 na reproduction number at 3.45 na Average Daily Attack Rate (ADAR).
Sinabi pa ni David na ang naitalang positivity rate sa ncr at calabarzon ay mas mababa pa sa 10% hanggang nitong February 15.