Mananatili sa ilalim ng COVID-19 alert level 2 ang Metro Manila simula bukas, December 1 hanggang December 15.
Ito ay ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Nograles, ay batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious diseases.
Bukod sa National Capital Region (NCR), nasa ilalim din ng alert level 2 ang Cordillera Administrative Region, regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9; 10, 11, 12, 13 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, tanging ang lalawigan naman ng Apayao sa Cordillera ang isinailalim sa Alert level 3. —sa panulat ni Drew Nacino