Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mananatili sa Alert level 1 ang National Capital Region (NCR) at ilang lugar sa bansa, habang ibinaba naman ang alerto sa iba pang mga lalawigan simula August 16 hanggang 31.
Ayon sa DOH, na siyang Chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na kabilang sa mga inilagay na sa Alert level 1 ang Occidental Mindoro at Camarines Sur, at mga Munisipalidad ng Poro, Cebu; Talalora, Western Samar; Pualas, Lanao del Sur; at Binidayan, Lanao del Sur.
Ibinaba ng DOH ang alerto sa mga lugar na ito matapos makitang nasa low risk na ang kanilang case classification at total beds utilization rates, habang tumaas din ang kanilang vaccination rate para sa mga senior citizen.
Kabilang sa mga nasa Alert level 1 sa Luzon, ang Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City; sa Region I, ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at City of Santiago; Region III: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, at Olongapo City; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at Puerto Princesa City; Region V: Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon.
Ilan ding mga area sa Visayas ang nasa Alert level 1 gaya ng Region VI na binubuo ng Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, Bacolod City, at Iloilo City; sa Region VII ang Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City; at sa Region VIII, ang Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City.
Habang ang mga lugar naman sa Mindanao na nasa Alert level ay ang Zamboanga City sa Region IX; kasama na ang Region X na kinabibilangan ng Camiguin, Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Iligan City; sa Region XI ang Davao City at Davao Oriental; sa Region XII ang South Cotabato at General Santos City; sa Caraga, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Butuan City; kabilang na ang Cotabato City sa BARMM.
Otomatiko namang nasa Alert level 2 ang mga hindi nabanggit na lugar.