Asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa National Capital Region (NCR) at nalalabing bahagi ng Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, patuloy pa ring makakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Magkakaroon naman ng Light to Moderate na may mabibigat na pag-ulan ang Metro Manila pati narin sa nalalabing bahagi pa ng Luzon.
Samantala, magiging maulap naman ang kalangitan hanggang maghapon ang bahagi ng kabisayaan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Fair weather condition naman ang mararanasang sa Mindanao simula umaga hanggang tanghali pero sahan parin ang mga pag-ulan pagsapit ng hapon hanggang sa gabi bunsod ng mga localized thunderstorm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:30 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.