Muling bumaba ang COVID-19 growth rate infection sa Metro Manila matapos pumalo sa -7% ayon sa OCTA Research group.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa mahigit tatlong daan at pitumpu (379) ang average ng arawang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR na mas mababa kumpara sa mahigit 400 average na naitala sa nakaraang datos.
Ayon pa kay David, nitong Nobyembre 14, bumaba rin sa 0.5 ang reproduction number ng sakit sa NCR habang nasa tatlong porsiyento na lang ang positivity rate mula november 10 hanggang November 16.
Ani David, asahan na bababa pa sa dalawang porsiyento ang positivity rate ngayong linggo.
Samantala, nagbigay babala naman si david sa publiko na panatilihing sumunod sa minimum public health standards kahit pa bumababa na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Joana Luna