Inirekomenda ng mga researcher mula sa University of the Philippines na panatilihin sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ayon kay Professor Ranjit Rye ng UP Diliman Political Science Department, batay sa datos, pre-mature pa para luwagan ang quarantine sa Metro Manila.
Batay anya sa kanilang pag aaral, may mahigit 7,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive cases pa ang hindi nasasama sa official count ng Department of Health (DOH).
Lumabas rin anya sa kanilang pag-aaral na walang nabago sa bilang ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila sa unang 10 araw ng MECQ.
Pinuna rin ni Rye na umaabot sa 170 ang itinaas ng kaso ng COVID-19 kada linggo sa Makati City, 60% sa Las Piñas at 58% sa Pasay.