Hindi pa handa ang mga lalawigan na nasa National Capital Region o NCR plus na isailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Ito ay ayon kay Professor Ranjit Rye, fellow OCTA research group kung saan nananatili pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa halos 1,000 kada araw.
Giit ni Rye, kung isasagawa ang desisyon ngayon ay hindi pa aniya qualify ang NCR plus na isailalim sa MGCQ.
Samantala, sinabi ni Rye na unti-unti nang humihilom ang pagtaas ng kaso ng virus kumpara nuong mga nakaraang buwan
Dahil dito, muli nang nagbubukas ang ilang mga negosyo kung saan nakakatulong para sa ating ekonomiya.
Sa ngayon, nasa maluwag na quarantine restriction o GCQ na ang NCR plus na tatagal hanggang sa 15 ng Hunyo.