Pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na magpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Roque sa isang public briefing, aniya bagamat hindi magpapatupad ng lockdown may ilang mga lugar naman ang naidagdag sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Mababatid na maliban sa National Capital Region (NCR), nakasailalim din sa GCQ ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula bukas, ika-22 ng Marso hanggang a-kwatro ng Abril.