Isasailalim na sa alert level 3 ang Metro Manila simula sa Oktubre 16 hanggang 31.
Kasunod na rin ito nang pag apruba ng IATF sa rekomendasyong ibaba sa alert level 3 mula sa alert level 4 ang NCR matapos mabawasan ang kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng alert level 3, papayagan nang mag operate sa 30% capacity ang ilang establishment bukod sa mga restaurant at personal care services anuman ang vaccination status ng customer.
Kabilang dito ang museums, libraries, internet cafes, billiard halls, amusement arcades, casinos, cockfighting, lottery, gyms, spa at leisure centers.
Inaprubahan din ng IATF ang paglalagay sa ilalim ng MECQ ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, Naga City, Zamboanga City at Zamboanga Del Norte.
Kabilang sa mga nasa ilalim naman ng GCQ with heightened restrictions ang Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Bacolod City, Capiz, Lapu Lapu City, Negros Oriental, Bohol, Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Cagayan De Oro City, Davao Del Norte, Davao Occidental, Davao De Oro, Butuan City at Surigao Del Sur.
Bukod pa ito sa Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, Camarines Norte, Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, Tacloban City.