Nakatakdang isailalim sa alert level 4 ang National Capital Region (NCR) sa Huwebes, Setyembre 16.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ito’y kasabay ng implementasyon ng granular lockdown dahil sa banta ng COVID-19.
Sang-ayon sa inilabas na omnibus guidelines, ang level 4 ay kung tumataas ang kaso ng COVID-19 gayundin ang utilization rate ng ICU beds.
Hindi papayagan sa ilalim ng alert level na ito ang paglabas ng tahanan ng mga nasa edad 18 taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas maliban na lamang kung bibili ang mga ito ng essential goods at services.
Gayundin ang pagbabawal sa pagbubukas ng ilang establisimyento gaya ng sinehan, internet cafes, casinos, at iba pa.
Sa kabila nito, papayagan sa ilalim ng alert level 4 ang outdoor o Al Fresco dine-in services bagama’t hanggang 30% ng kanilang kapasidad habang 10% naman ng kapasidad sa mga indoor dining.