Kaya ng local government units sa Metro Manila ang makapagturok ng bakuna sa 120,000 katao isang araw.
Ipinagmalaki ito ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa gitna na rin aniya nang patuloy na pagpapalawig ng metro mayors sa kani kanilang vaccination program kabilang ang pagdadagdag ng vaccination sites.
Nasa mahigit 600,000 na ang nabakunahan mula sa mahigit 14 milyong populsyon ng kalakhang Maynila.