Nagpaalala ang mga eksperto sa ilang local government unit sa Metro Manila kaugnay sa pagpapaigting ng mga hakbang para iwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito’y matapos makita ang pag-akyat muli ng bilang ng kaso ng COVID-19 partikular sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group, dapat na palakasin ng mga lgu na kanilang tinukoy bilang high-risk ang testing, tracing at isolation.
Suhestiyon din ng grupo ang pagpapatupad ng mas agresibong localized lockdown at mahigpit na border control sa pagitan ng mga lungsod.
Kabilang sa mga lugar na nakitaan ng pagtaas sa mga bagong kaso ay ang Quezon City, Makati, San Juan, Marikina, Malabon, Taguig, Navotas, Valenzuela at Caloocan.