Bumoto ang lahat ng mayors ng National Capital Region (NCR) na ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang NCR.
Gayunman, sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivares, chairman ng Metro Manila Council, nagkakaisa rin sila na pwede lamang itong gawin kung masusunod ang kanilang kondisyon.
Kailangan anyang manatili sa lockdown ang mga barangay na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Kung hindi aniya papayag ang Inter Agency Task Force (IATF), papasok ang ikalawa nilang rekomendasyon na manatili sa enhance community quarantine (ECQ) ang NCR hanggang May 30.
Samantala, ang ikatlo aniya nilang rekomendasyon ay ipaubaya na lamang sa IATF ang desisyon kung hanggang kelan tatagal ang GCQ sa NCR sakaling aprubahan ito.
Pero gusto na rin nating tumakbo ang economy natin, pero hindi naman nating pwedeng i-sacrifice yung ating inumpisahan para ating ma-flatten yung curve so, kaya nga yung mga barangay na meron tayong new cases i-lockdown natin siya,” ani Olivares. — panayam mula sa Ratsada Balita.