Maituturing nang nasa “high risk” ang National Capital Region ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, ito ay batay sa bilis ng pagkalat ng virus at sa laki ng populasyon na apektado nito.
Nalampasan na aniya ng kasalukuyang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ang nuo’y itinuturing na pinakamataas na pagpalo ng bilang ng nakahahawang sakit nuong Hulyo at Agosto 2020.
At sa ngayon umano ay masasabing patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.