Isinailalim ng Department of Health (DOH) sa alert level 4 ang National Capital Region (NCR) maliban sa lungsod ng Maynila.
Ito’y ayon kay DOH Spokesperson Ma. Rosario Vergiere ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay Vergiere, nakapagtala ang Metro Manila ng positive two-week growth bukod sa high risk average daily attack rate at high risk case classification.
Dahil dito, sinabi ng opisyal na nasa ilalim ng moderate to critical risk ang Metro Manila at may healthcare utilization rate na mataas sa 70%.