Mananatili sa Tiny Bubbles Policy ang Metro Manila habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bansa.
Kasunod nito, nagpaalala si PNP Chief Guillermo Eleazar sa publiko partikular na ang mga residente sa National Capital Region (NCR) na hindi pa pinapayagan ang pagbili ng basic goods sa labas ng kanilang siyudad.
Sinabi ni Eleazar, mananatili ang mga checkpoints sa mga borders at tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang maaaring makadaan sa mga Quarantine Control Points (QCPs).
Nilinaw naman ni Eleazar na pinapayagan naman tumawid sa ibang siyudad o cross-borders ang mga mayruong medical appointments at emergency services sa mga ospital.
Samantala, nasa sampung libong quarantine violators naman ang nahuli ng pnp sa unang araw ng MECQ sa Metro Manila.