Kailangang matiyak ng gobyerno na GCQ ready na nga o handa na sa general community quarantine ang NCR plus bago luwagan ang quarantine classification para sa susunod na buwan.
Ayon ito sa epidemiologist na si Dr. John Wong ng epimetrics dahil hindi na lamang reproduction number ang dapat pinagbabasehan ng gobyerno sa pagpapasya kung babawiin o palalawigin ang quarantine status sa isang lugar.
Inihayag ni Wong na masasabi lang na handa na para sa GCQ ang isang lugar kung naabot na nito ang tatlong indicators o batayan.
Kabilang dito ang pagtiyak na napapatupad ng tama ng local government units at establishments ang health protocols mabilis na testing, isolation at quarantine ng mga kumpirmdong kaso at mayroong maayos na contact tracing bukod sa dapat ay nasa 350,000 na bakuna kontra COVID-19 kada araw ang naituturok .
Binigyang diin naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng maabot ang 350,000 doses kada araw sa vaccine rollout dahil may mga darating na supply ng bakuna.