Maghihigpit ang mga alkalde ng Metro Manila sa pagsailalim sa quarantine sa mga bumiyahe galing sa ibang bansa hinggil sa Delta variant ng COVID-19.
Ito’y dahil wala pang naiuulat na kaso ng naturang variant sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at Metro Manila Council (MMC) leader Benhur Abalos, responsibilidad ng local government unit para mapigilan ang pagkalat ng naturang variant sa bansa.
Ipinabatid ni abalos na aminado ang mga alkalde na kailangan pa nila ng mahigit 5,000 contact tracers.
Samantala, pursigido ang Health Department na pag-aaralan ang naturang variant para magawan ng paraang hindi ito kumalat.