Naghatid ng tulong ang mga Alkalde sa National Capital Region para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Nagkasundo kasi ang mga Metro Manila Mayors na maglaan ng P100M halaga na tulong para sa mga nasalanta.
Bukod pa dito, nagpadala narin ng grupo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Maasin, Leyte upang magsagawa ng clearing operations sa lugar.
Bukod pa dito, plano rin ng MMDA na magpadala ng mga tauhan sa Bohol upang magsagawa rin ng operasyon para sa mabilis na paglilinis. —sa panulat ni Angelica Doctolero