Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20 ayon sa Malakaniyang.
Ang ECQ ang pinaka mahigpit sa apat na lockdown levels na meron ang bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ang NCR ay nasa GCQ “subject to heightened and additional restrictions” hanggang Agosto 5.
Kaugnay nito, ipagbabawal na ang indoor dine-in at al fresco dining sa Metro Manila simula bukas, Sabado Hulyo 31.
Bukod dito, virtual na rin ulit ang mga religious gathering bilang bahagi pa rin ng pag iingat laban sa banta ng mas nakakahawang delta variant.
Paalala naman ni Roque, wala nang dahilan para magpanic buying ang publiko dahil may isang linggo pa para paghandaan ang ECQ sa Agosto 6.