Napansin ng OCTA Research Group ang “flat trend” sa COVID-19 infections sa bansa, partikular na sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng virus sa nakaraang Linggo.
Bumaba ang daily average rate ng COVID-19 reproduction, sa 5% mula Hulyo 4 hanggang 10.
Ayon sa OCTA, ang “flat” reproduction rate ay nangangahulugan na ang lokal na pamahalaan ay mayroong reproduction rate na 0.9 hanggang 1.1; na ibig sabihin rin, ay walang significant upward o downward movement sa infection rate.
Sa ngayon, ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay nasa 0.91 na mataas kumparasa dating 0.85.
Maliban sa Metro Manila, nakitaan rin ng flat trends sa COVID-19 infections ang Davao City, Bacolod City, Cagayan De Oro City, General Santos City, Baguio City at Calamba City. —sa panulat ni Hya Ludivico