Tumaas sa 29% ang hospital occupancy rate sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, mula 17% nuong December 26, umakyat sa 29% ang COVID-19 hospital beds occupancy nitong January 2, 2022.
Habang tumaas sa 29 percent mula sa dating 21 percent ang intensive care unit occupancy rate.
Aniya, mabilis na napupuno ang mga kama na nakalaan para sa mga COVID-19 patients.
Samantala, nananatili nasa “very low level” pa rin ang mga hospital beds occupancy at ICU occupancy sa Metro Manila kumpara nuong nagkaroon ng COVID-19 surge sa bansa.