Itinuturing na nasa very low risk classification sa COVID-19 ang karamihan ng mga lugar sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research Group, tanging ang Las Piñas City at San Juan ang nasa low risk category na may average daily attack rate (ADAR) na 1.10 at 1.19.
Batay pa sa datos ng grupo, nakapagtala ng 0.48 reproduction number ang rehiyon na mas mataas kumpara sa dating 0.39.
Habang ang average number ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay nasa 79 na lamang mula December 14 hanggang 20 na mas mababa kumpara sa 91 cases per day mula December 6 hanggang 12.
Naitala rin ang ADAR na 0.55 sa kada 100,000 populasyon habang ang positivity rate naman sa NCR ay nasa 0.6%.