Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa ilalim parin ng high risk classification ng kanilang ahensya ang Metro Manila at 11 pang rehiyon sa bansa.
Ito ay dahil patuloy paring tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Ayon kay Vergeire, nasa 39.56 na ang average daily attack rate pero nasa 70.57% pa ang bed utilization sa mga ospital habang 76.64% naman ang ICU utilization sa Metro Manila.—sa panulat ni Angelica Doctolero