Maikukunsidera pa ring high risk sa COVID-19 ang Metro Manila kahit bumaba na ang reproduction rate sa rehiyon.
Ito ayon sa OCTA research group, ay kung ang pagbabatayan ay ang indicators na ginagamit ng COVID act now.
Nasa average na 4,220 pa rin ang arawang kaso ng COVID sa nakalipas na isang linggo at may growth rate naman na negative 20% at reproduction number na 0.94.
Bagaman patuloy na bumababa, ipinunto ng grupo na nasa mataas na lebel pa rin ang positivity rate ng COVID o dami ng mga nagpopositibo sa isinasagawang testing.– —sa panulat ni Drew Nacino