Inihayag ng OCTA research group na nasa “low risk” classification na ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na nasa low risk classification na ang 14 na lungsod at isang bayan sa NCR, habang nasa moderate risk naman ang Mandaluyong, San Juan, at Valenzuela City.
Naitala ang 6% positivity rate sa rehiyon, habang bumaba naman ang average daily attack rate sa negative seven sa kada 100,000 na populasyon.
Bumaba rin ang hospital utilization rate sa 35% habang nasa 45% naman ang ICU utilization rate sa NCR.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico