Nasa low risk na sa COVID-19 at minimal case classification na lamang ang Metro Manila at buong bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa low riks na rin ang health system capacity ng bansa maliban sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa moderate risk pa.
Lahat anya ng rehiyon ay nagpapakita na ng negative 2 week growth rate at pagbawas ng kanilang average daily attack rate.
Sa National Capital Region (NCR), ang daily cases ay nagpa-plateau noong mga nakaraang linggo subalit binabantayan pa rin ito ng DOH.
Kahapon ay nakapagtala ang kagawaran ng karagdagang 1,474 COVID-19 cases habang bumaba pa sa 22,079 ang aktibong mga kaso.—sa panulat ni Drew Nacino