Inihayag ng OCTA Research Group na nakararanas ngayon ang National Capital Region (NCR) ng “severe outbreak” matapos tumaas sa 89.42 percent ang COVID-19 average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula December 28, 2021 hanggang nitong January 3, 2022 ay nasa 12.71% ang ADAR ng NCR.
Maliban dito, sumirit din sa 48% ang seven-day positivity rate sa rehiyon.
Sa kabila nito, sinabi ni David na bumabagal na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa NCR matapos bumaba ang reproduction number sa 5.22 mula sa dating 5.65.
Ang health care utilization naman ay tumaas sa 57% ngayong linggo habang ang intensive care unit ay nasa 52% mula January 4 hanggang 10.
Sinabi pa ni David na itinuturing na nasa ‘very high risk’ na ang NCR.