Nasa very low risk na ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) dahil sa pagbaba ng mga kaso ng virus.
Ayon sa independent monitoring group na OCTA Research, aabot na lamang sa 105 ang average daily cases mula December 1 hanggang 7 sa rehiyon.
Mas mababa na din sa 1 ang average daily attack rate (ADAR) na nasa 0.74 sa bawat 100,000 populasyon habang nasa 0.34 naman ang reproduction number.
Nasa labing isang lugar sa Metro Manila ang itinuturing na nasa very low risk kabilang ang Malabon, Navotas, Caloocan, Pateros, Valenzuela, Marikina, Manila, Parañaque, Pasay, Las Piñas, at Mandaluyong.
Habang nasa low risk category naman ang Muntinlupa, Makati, Quezon City, Pasig, Taguig, at San Juan.