Nasa ‘severe outbreak’ pa rin ang Metro Manila kasabay ng tumataas na COVID-19 average daily attack rate o ADAR sa 111.80%.
Inihayag ito ng OCTA research group matapos makapagtala muli ng record-high daily COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, sa katunayan ay 56% ng additional COVID-19 cases noong Miyerkules o 18,140 ng 32,246 cases ay mula sa National Capital Region.
Noon naman anyang Martes, Enero 11 ay umabot na sa 89.42% ang ADAR sa NCR o average number ng bagong kaso sa bawat 100,000 katao.
Samantala, sa mga Lungsod ng Baguio, Angeles at Santiago, nasa “mature stage” na ng outbreak at nakapagtala ng mga ADAR na 39.48, 26.65 at 25.23%.