Kung si Health Secretary Francisco Duque III ang tatanungin, mas maiging panatilihin ang Metro Manila sa Alert level 2.
Aminado si Duque na kahit mayroong downward trend sa COVID-19 cases sa National Capital Region, hindi pa rin dapat magpaka-kamapante dahil sa banta ng Omicron variant.
Asahan na anya ang mataas na mobility o darami pa ang maglalabasang tao at mamamasyal sa mga mall at iba pang lugar ngayong christmas season.
Sa kabila nito, kuntento naman si Duque sa mas pinaluwag na restrictions kasabay ng muling pagbubukas ng mga business establishment upang makabawi ang ekonomiya.
Mananatili ang Alert level 2 sa Metro Manila hanggang December 15 maging sa iba pang panig ng bansa.